54 gusali na pinagkutaan ng Islamic State-linked Maute group sa Marawi City, nabawi na ng tropa ng pamahalaan

Marawi City – Nabawi na ng tropa ng pamahalaan ang 54 gusali na pinagkutaan ng Islamic State-linked Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera – kasunod na rin ito ng nagpapatuloy na combat clearing operations lalo na’t marami pa rin aniya na mga portions sa main area na ngayon ay ginagawang defensive position.

Tinatayang nasa walong daang gusali pa sa Marawi ang hindi pa nakukubkob ng militar na posibleng pinagtataguan ng mga maute, partikular ng kanilang mga snipers.


Sa ngayon ay hindi pa naman masabi ni Herrera kung kailangan ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments