Nanghina dahil sa mainit na panahon ang 54 mag-aaral ng Macarang National High School sa Mangatarem kaya kinailangang isugod sa ospital ang ilan matapos mawalan ng malay.
Sa opisyal na pahayag ng paaralan, pinagtulungang maitakbo ng mga ambulansya mula Mangatarem at San Clemente Tarlac ang apatnapung mag-aaral.
Lumalabas na dahilan ng heat exhaustion, hyperventilation at anxiety kaya nanghina ang mga estudyante base sa findings ng doktor.
Sa ngayon, isang mag-aaral na lamang ang patuloy na inoobserbahan ng doktor.
Tiniyak naman ng pamunuan ang pagtutok sa kondisyon ng mga mag-aaral.
Facebook Comments









