54 na laboratoryo, nasertipikahan na para sa COVID-19 testing ayon sa DOH

Nadagdagan pa ang accredited laboratories sa bansa na pinapahintulutang magsagawa ng COVID-19 test.

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 54 na laboratoryo sa bansa ang sinertipikahan para magkasa ng independent testing para sa COVID-19.

Mula sa nasabing bilang, 41 dito ay Polymerase Chain Reaction (PCR) laboratories, ang 13 naman ay GeneXpert laboratories.


Ang mga bagong pasilidad na binigyan ng accreditation ay ang Ospital ng Imus at ang Dr. Arturo P. Pingoy Medical Center.

Nasa 141 na laboratoryo pa ang sumasailalim sa five-step laboratory accreditation process, 112 o 79% ay nasa stage 3 at pataas.

Sa ngayon, ang mga laboratoryo ay nakapagsagawa na ng test sa 395,221 individuals mula nitong June 6, 2020.

Facebook Comments