Hindi nakaligtas sa pananalasa ng Bagyong Kristine ang mga kawani ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Jean Fajardo, nasa 54 na mga kawani nila ang apektado ng malawakang pagbaha sa Region 5 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kasunod nito, sinabi ni Fajardo na ipinag-utos na ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na i-account at siguraduhin ang safety and security ng mga apektadong pulis.
Aniya, nagbibigay rin ang pamunuan ng PNP ng tulong sa mga pulis at kanilang pamilya na naapektuhan ng bagyo.
Samantala, nakapagtala na ang PNP PRO5 ng 3 nasawi at 6 na nasaktan sa pananalasa ng bagyo sa Bicol region.
Pero ito ay sasailalim pa sa validation ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).