54 NA YUNIT NG DUGO, NALIKOM NG LGU SAN NICOLAS

Nakalikom ng nasa limampu’t-apat na yunit ng dugo mula sa mga blood donor na mga residente ng San Nicolas sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Red Cross Urdaneta City Chapter sa naganap na Community-based Blood Donation.
Katumbas ang limampu’t-apat na yunit ng dugo kabuuang 24,300ml o katumbas ng 6.4 na gallon na maidadagdag sa Blood Bank ng bayan.
Layunin nitong makapagkolekta at maiimbak ang mga ito upang maibigay sakaling may mangailangan ng agarang suplay ng dugo.

Kabilang din sa layuning naisagawang blood donation drive na makapagbigay kaalaman at maitaas ang kamalayan ang kahalagahan ng pagdodonate ng dugo na hindi lamang mabebenipisyuhan ang mga tatanggap ng dugo pati na rin ang magdodonate mismo sa pamamagitan ng pagbaba ng presyon ng dugo at isang mas mababang panganib para sa mga atake sa puso. |ifmnews
Facebook Comments