54,000 na mga pulis, ipakakalat sa mga lugar na dadagsain ng tao sa Semana Santa

Magtatalaga ang Philippine National Police (PNP) ng halos 54,000 pulis sa mga lugar na inaasahang dadagsain sa Semana Santa.

Sa nasabing bilang, 11,000 pulis ang ipapakalat sa Metro Manila.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, kabilang sa kanilang papatauhan at lalagyan ng police assistance desk ay ang mga terminal, lansangan, at tourist destination.


Tututukan din ng PNP ang mga simbahan lalo na ang mga pinupuntahan para sa Visita Iglesia.

Pinaalalahanan naman ni Fajardo ang mga turista na umiwas sa mga siksikang lugar para makaiwas sa banta ng COVID-19 gayundin sa mga mandurukot.

Samantala, nasa “heightened alert” na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) simula ngayong araw hanggang Abril 18.

Facebook Comments