Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na napagkalooban na ng tig-4,000 na initial subsidy sa ilalim ng Service Contracting Program ang nasa 5,497 na drayber ng pampublikong transportasyon sa buong bansa.
Ang subsidy ay ibinigay sa mga drivers direkta sa kanilang account sa Land Bank of the Philippines o sa kanilang E-Wallet account.
Kabilang sa mga nabigyan ng ayuda ang mga driver ng traditional PUJ, modernized PUJ, at public utility buses mula sa Metro Manila at iba pang rehiyon sa bansa.
Sabi ng LTFRB asahan pa na marami pang driver ang mabibigyan ng pinansiyal na tulong sa mga suaunod na araw kabilang ang mga public utility vehicles mula sa iba’t ibang rehiyon.
Facebook Comments