Nagdagdag ang Bureau of Immigration (BI) na 55 mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong buwan ng Disyembre dahil sa dami ng pasahero.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na ang idineploy na dagdag na 55 immigration officers sa NAIA ay pansamantala lamang.
Tumutulong aniya ang mga ito ngayong holiday season dahil sa dami nang naitalang arrivals bago mag-pasko na umabot sa 161,000 nang nakaraang weekend at inaasahan naman ng pagpasok ng bagong taon ay kaparehong dami rin ang maitatalang departure o mga aalis.
Bukod aniya sa 55 mga immigration officers na idineploy ay may augmentation team and rapid response team ang nakahanda kung kakailanganin.
Samantala, para naman mas mabilis ang proseso sa mga aalis na pasahero sa NAIA ay rin ang BI ng mobile counters ngayong holiday season.