55 Kandidata sa Miss Asia Pacific International 2019, Nagtanim ng Punong Kahoy sa Lalawigan ng Quirino!

*Cauayan City, Isabela- *Hindi ininda ang mainit na sikat ng araw ng 55 na kandidata sa Miss Asia Pacific International 2019 sa kanilang pagtatanim ng punong kahoy sa Landingan Viewpoint, Nagtipunan, Quirino kahapon.

Pinangunahan ni Mayor Nieverose Meneses kasama si Miss Klyza Castro na kinatawan ng Pilipinas ang pagtatanim ng punong kahoy sa bulubundukin bahagi ng nasabing lugar.

Bawat kandidata ay nagtanim ng mahogany kasama ang mga boy at girl scout ng elementarya kung saan ay nakalagay sa bawat area na pagtataniman ng bawat kandidata ang kanilang pangalan at bandila.


Ang pagtatanim ng mga punongkahoy ng mga kandidata ay bahagi ng kanilang adbokasiya sa programang pangkalikasan upang maprotektahan ang ating kalikasan sa kabila nang nararanasang pabago-bagong klima.

Facebook Comments