Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 55 milyong Pilipino na ang nakapagparehistro na sa National ID system.
Ayon kay PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista, nakapaglabas na sila ng anim na milyong Philippine Identification cards.
Pero nagkakaroon aniya ng delay sa delivery ng Phil ID cards.
Paliwanag ni Bautista, base kasi sa kapasidad ng Philippine Postal Corporation ay aabutin pa ng anim na buwan ang delivery ng mga Phil ID.
Nabatid na target ng PSA na makapagparehisto sa National ID system ngayong taon ng 90 milyong Pilipino.
Facebook Comments