55 MAGKASINTAHAN SA DAGUPAN CITY, PINAG-ISA SA KASALANG BAYAN NGAYONG KAPASKUHAN

Limampu’t limang (55) magkasintahan ang opisyal na pinag-isa sa isang kasalang bayan na ginanap bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Dagupan City.

Isinagawa ang seremonya sa temang “Pamilya ang Puso ng Pasko,” na nagbibigay-diin sa pagpapahalaga sa pamilya, pagkakaisa, at paninindigan sa pangakong habambuhay, patunay na ang pasko ay pagmamahalan.

Sa ilalim ng programang May Forever, patuloy na tinutulungan ang mga magkasintahan na maisakatuparan ang pangarap na magpakasal at magsimula ng bagong yugto ng buhay na magkasama.

Ipinapaalala ng okasyong ito na higit sa handog at selebrasyon, ang tunay na diwa ng Pasko ay ang araw-araw na pagpili sa isa’t isa at ang pagmamahal na pinanghahawakan habang magkasamang humaharap sa buhay.

Facebook Comments