Abot sa 55 ang kaso ng mga pagkasugat na dulot ng paputok ang naitala sa pagsalubong sa 2019 sa National Capital Region (NCR).
Ito ay batay sa monitoring ng National Capital Region Police Office (NCRPO) magmula December 21, 2018 hanggang 6 AM ng January 1, 2019.
Ito ay mababa kung ihahambing sa 248 firecracker related injuries na naitala sa parehong panahon noong 2018.
Nakapagtala din ang NCRPO ng isang kaso ng indiscriminate firing sa Navotas City.
Gayunman, wala namang nasugatan sa naturang insidente.
Arestado na ang suspek at kinumpiska ang kaniyang baril.
Ang kaso ng stray bullet incident noong December 24, 2018 sa lungsod ng Maynila ay isang accidental shot.
Facebook Comments