55 na mga puganteng dayuhan, inaresto ng BI

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang 55 foreign fugitives na wanted sa kani-kanilang mga bansa dahil sa magkakaibang kaso.

Kabilang sa mga naaresto ay sex offenders, investment scammers, swindlers at telecommunications fraudsters.

Sila ay kinabibilangan ng 26 South Koreans, 10 Japanese nationals, 9 Americans, 6 na Chinese nationals, gayundin ang isang Briton, Russian, Czech at isang Saudi national.


Ang mga naarestong Japanese nationals ay nakatangay ng milyong piso sa kanilang mga biktima kabilang na ang ilang retired senior citizens.

Ang mga nadakip naman na Chinese nationals ay mga miyembro ng organized crime syndicate na namemeke ng seal ng isang ospital sa China at nakatangay na sa kanilang mga biktima ng 1.5 million US dollars o ₱75 million.

Facebook Comments