55 % ng PNP, ide-deploy sa mga polling precincts sa midterm elections

55 % ng buong pwersa ng Philippine National Police (PNP) ang ide-deploy sa mga polling precincts sa May 2019 midterm elections.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Oscar Albayalde kasabay ng pagtiyak na handa na ang PNP para siguruhin ang makatotohanan, maayos at mapayapang halalan.

Maliban aniya sa mga pulis na nakadeploy sa polling precincts, ay may nakatoka din na election duties para sa nalalabing miyembro ng kabuuang 181,775 pwersa ng PNP.


30 % naman ng kanilang pwersa ang naka-assign naman bilang mga “Quick Reaction Teams” na handang rumesponde sa anumang problema sa araw ng halalan.

10 % naman ng mga pulis ang naka-assign naman bilang reactionary standby support force.

Habang ang nalalabing 5 % ang bubuo ng mga “Red Teams” na magsasagawa ng mga spot checks at mananatiling skeletal force sa mga Police Headquarters.

Facebook Comments