Cauayan City – Umabot na sa 55 pamilya o 195 na indibidwal mula sa Rehiyon Dos ang naitalang naapektuhan ni Bagyong Carina.
Sa inilabas na ulat ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 kahapon ika-23 ng Hulyo, ang mga apektadong pamilya ay pawang mula sa lalawigan ng Cagayan.
44 na apektadong pamilya ang mula sa Bayan ng Gonzaga, Cagayan, 3 pamilya mula Sta. Ana, Cagayan, habang 2 pamilya ang mula naman sa Sta. Praxedes, Cagayan ang inilikas na sa iba’t-ibang Evacuation Centers.
Samantala, 5 pamilya naman mula sa Peñablanca, Cagayan ang sumailalim sa pre-emptive evacuation kung saan sila ay nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak, ngunit kaagad ring nakauwi sa kanilang mga bahay.
Upang kaagad na makapagpaabot ng tulong ay patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng DSWD FO2 sa mga apektadong LGU’s.