Cauayan City, Isabela- Nagtapos na ang nasa 55 iskolar ng Poverty Reduction, Livelihood, and Employment Cluster (PRLEC) sa Barangay Upper Atok, Flora, Apayao.
Sumailalim ang nasabing bilang ng mga iskolar sa ilang pagsasanay gaya ng Solar Night Lamp at Post Lamp na pinangunahan ng mga miyembro ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na siyang ahensya na mangunguna sa PRLEC.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, tiyak na magliliwanag na ang gabi ng mga residente sa lugar.
Sa loob ng ilang dekada, ang grupo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ay hinarang ang pag-unlad ng nasabing barangay kung kaya’t matagal na nanirahan sa dilim ang mga ito.
Bago ito, nagsagawa ng pagpupulong para matukoy ang mga kakailanganin ng Barangay Malayugan at Upper Atok mula sa bayan ng Flora at dito na nga natukoy ang matinding pangangailangan sa pagkakaroon ng kuryente para magkailaw.
Nagpasalamat naman si TESDA Provincial Director Roger Dencel sa pamunuan ng 5th Infantry Division, 501st Brigade, 17IB, at PNP para sa kanilang tulong na masigurong ang seguridad at kaligtasan ng mga residente habang nagsasagawa ng pagsasanay sa lugar.
Mensahe naman ni MGen. Laurence Mina, commander ng 5ID PA, at kumakatawan kay Gen. Mina na si COL CRESPILLO, Brigade Commander ng 501st Infantry Brigade, nagpasalamat ito sa miyembro ng TESDA para sa pagbibigay ng kasanayan sa mga iskolar gayundun ang suporta na ibinibigay ng Provincial Government of Apayao at LGU Flora para labanan ang insurhensiya.
Samantala, nasa 55 rin ang ikalawang batch ng nasabing proyekto na nagsimula na ang pagsasanay sa parehong kurso.