55 UNIVERSITIES SA REGION 1 MAGSASAGAWA NA NG 100% F2F CLASSES SA SUSUNOD NA SCHOOL YEAR AYON SA CHED REGION 1

Magpapatupad na ng isang daang porsyento ng face-to-face classes ang nasa limampu’t limang unibersidad sa Region 1 ayon yan sa Commission on Higher Education o CHED Region 1.
Ayon sa ahensya, target pa nilang madagdagan ang mga paaralan sa rehiyon na magsasagawa na ng face to face classes para sa school year 2022-2023.
Ang mga ito ay nakapasa umano sa evaluation na isinagawa ng CHED Region 1 base sa requirement na kanilang ibinigay para makapagpatupad ang mga ito ng f2f classes, ilan sa mga ito ay ang paglalagay ng mga signages ukol sa health protocols at paggawa ng entrance at exit ng mga estudyante.

Samantala, marami namang magulang at estudyante ang pabor sa pagbabalik ng face to face classes sa rehiyon. | ifmnews
Facebook Comments