55 volcanic quakes, naitala sa Bulkang Taal

Aabot sa 55 volcanic quakes ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Sa datos, 49 ang volcanic tremors na tumagal ng 2.5 minuto.

Nagbuga rin ito ng usok nitong Biyernes ng alas-2:11 na aabot sa taas na 400 hanggang 500 metro.


Kahapon, umabot ang sulfur dioxide level ng bulkan sa 582 tonnes kada day na average.

Nananatili naman ang Bulkang Taal sa Alert Level 2.

Facebook Comments