550 milyong pisong pondo, ini-release ng DBM para sa konstruksyon ng NKTI Outpatient Department Building

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management o DBM ang pagre-release ng Special Allotment Release Orders o SAROs ng kabuuang 550 milyong piso.

Ito ay para sa konstruksyon ng Outpatient Department (OPD) Building ng National Kidney and Transplant Institute o NKTI.

Ayon kay DBM Secretary Amehan Pangandaman ang hakbang na ito ng DBM ay bilang suporta sa pagpapaganda pa ng healthcare facilities sa bansa.


Sinabi ng kalihim na sinisikap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na darating ang panahon na wala nang Pilipino ang hindi mabibigyan ng kalidad ng healthcare.

Kaya ipagpapatuloy ang pagsasaayos at pagpapaganda ng mga pasilidad ng mga healthcare facility lalo na ng mga specialty hospitals gaya ng NKTI.

Paliwanag ni Pangandaman, ang expansion ng NKTI OPD building ay dinesenyo para sa one-stop shop para sa mga hospital’s social services, gaya ng diagnostic at surgical facilities.

Facebook Comments