550 pulis na paparusahan kada buwan dahil sa iba’t-ibang katiwalian

Dumami pa ang mga pulis na napaparusahan dahil sa iba’t-ibang katiwalian sa panahon ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa.

Sa conference na ginawa sa conference room ng PNP National Headquarters, iprinisenta ni Director For Personnel Records Management o DPRM Director Major General Reynaldo Biay ang datos ng mga napaparushang pulis.

Batay sa rekord ng PNP simula October 14, 2019 hanggang February 25, 2020, umaabot sa 550 kada buwan ang napaparushan dahil sa iba’t-ibang katiwalian.


Mataas ang datos na ito kung ikukumpara noong July 2016 hanggang 2018 na umaabot lamang sa 280 pulis kada buwan ang napaparusahan habang January 13, 2019 hanggang October 13, 2019 ay umaabot lamang sa 335 na pulis kada buwan.

Kung susumahin naman ang mga pulis na naparusahan na dahil sa katiwalian simula 2016 hanggang ngayong February 25, 2020 umaabot na ito sa kabuuang 13, 331.

Sa bilang na ito, ang pulis na natanggal sa serbisyo ay 3,914, 717 ang na-demote ang ranggo; 6,877 na pulis ay nasuspende; 431 ay binawi ang sweldo; 1,196 ay na reprimand; 86 pulis ay naging restricted at 110 ay hindi nabigyan ng mga prebelihiyo o benepisyo.

Facebook Comments