550,000 OFWs, na-displace dahil sa pandemya

Higit kalahating milyong overseas Filipino workers ang na-displaced dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay International Labor Affairs Bureau (ILAB) Director Alice Visperas, aabot na sa 550,000 OFWs ang nawalan ng trabaho abroad dahil sa pandemya mula nitong December 17.

Mula sa nasabing bilang, 370,000 displaced OFWs ang napauwi na sa kanilang mga probinsya, 126,000 ang nahihintay para sa kanilang repatriation at 82,000 displaced ang nagpasyang manatili sa kanilang bansang pinagtatrabahuan.


Para tulungan ang mga apektadong OFW, nagbibigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng ₱10,000 o $200 cash aid sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program.

Samantala, sinabi naman ni Bureau of Local Employment (BLE) Director Dominique Rubia-Tutay na nasa 3.8 million na manggawa sa bansa ang naapektuhan ng pandemya.

Facebook Comments