555 bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH ngayong araw

Sumampa na sa 21,895 ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), 555 panibagong kaso ng nakahahawang sakit ang naitala ngayong araw kung saan 378 dito ang ‘fresh’ cases habang 177 ang ‘late’ cases.

Siyam naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi na umaabot na ngayon sa 1,003.


Habang umabot na sa 4,530 ang gumaling matapos madagdagan ng 89 new recoveries.

Samantala, 24 na panibagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino sa abroad ang naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong araw.

Dahil dito, sumampa na sa 5,392 ang nagpositibo sa sakit.

Pito naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na ngayon ay nasa 370.

Anim ang new recoveries dahilan para sumampa sa 2,231 ang kabuuang bilang ng gumaling.

Patuloy namang ginagamot sa ospital ang 2,791 Filipino COVID-19 patients sa abroad.

Facebook Comments