558 Katok Bahay, Radyo Regalo Promo ng DZXL 558 Radyo Trabaho, aarangkada na ngayong araw sa apat na barangay sa Caloocan City

Muling maghahatid ng saya at ngiti ang DZXL 558 Radyo Trabaho sa Caloocan City para sa “558 Katok Bahay, Radyo Regalo Promo” ngayong araw.

Layon nito na makapagbigay ng walong radyo para sa walong bahay sa walong barangay sa nasabing lungsod.

Bibisita at kakatok ang buong pwersa ng Laughter is the best magazine show sa inyong mga tahanan na may dalang sorpresa kung saan mamimigay kami ng radyo at iba pang exclusive at limited Radyo Trabaho items tulad ng mug, wall clock, ballpen, calendar, t-shirt at iba pa.


Napakadaling manalo, sagutin lamang ang tanong na: Ano ang slogan ng DZXL 558 Radyo Trabaho?

Kaya maghanda na kayo dyan sa barangay 8, 28, 43 at 69 para sa 558 Katok Bahay, Radyo Regalo Promo ng DZXL 558 Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa hanapbuhay.

Una nang binisita at nagbigay ng mga regalo sa walong barangay sa lungsod ng Pasay.

Facebook Comments