55TH BIRTHDAY | Chief Albayalde, ipinagdiriwang ang kanyang birthday ngayong araw

311

Manila, Philippines – Kasabay ng ika-55 taon kaarawan ngayong araw, hiling ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde na makapagbigay pa ng mas maaasahang serbisyo sa mga Pilipino.

Ayon kay Albayalde – mayroon na lamang siyang isang taon sa serbisyo kaya nais niyang makapaglingkod ng buo pa para sa mamamayan.

Nakatakdang magretiro si Albayalde sa November 8, 2019 dahil sa mandatory retirement age na 56 sa mga police officers.

Si Albayalde ay produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Sinagtala Class ng 1986 kung saan nakapagtapos siya ng cum laude.

Ika-22 chief ng national police force si Albayalde.

Facebook Comments