Inihayag ni Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry (PCCI) President Lugene Ang na nagkaroon ng 56 kidnapping incidents sa bansa sa nakalipas na 10 araw.
Pahayag ito ni Ang kasunod ng joint press conference sa Kamara kasama sina House Minority Leader Marcelino Libanan at Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration Jose Chiquito Malayo.
Aniya, hindi lamang mga Chinese nationals ang nadadakip kundi mga purong Pilipino at bata rin.
Dahil dito, hinimok niya ang Kongreso ng agarang aksyon upang masawata ang mga kriminal at mapuksa ang mga sindikato na nagsasagawa nito.
Sa kabila ng datos na ibinunyag ni Ang ay sinabi ni Malayo na nakapagtala lamang ang pulisya ng apat na insidente ng kidnapping ngayong taon.
Facebook Comments