Umabot sa 56 katao ang nagpositibo sa COVID-19 mula nang magkaroon ng limited face to face classes sa tertiary level nitong Enero.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera, 41 sa naturang bilang ay mga estudyante habang 15 ay mga miyembro ng faculty.
Pawang asymptomatic ang lahat ng mga estudyanteng dinapuan ng virus.
Ilan sa mga kursong pinayagan na para sa limited face to face classes ay ang kursong; physical therapist, midwives, nurses at doktor.
Sa ngayon, mahigit 100 Higher Education Institutions (HEIs) na sa buong bansa ang pinayagan ng CHED na magsasagawa ng limitadong face-to-face classes.
Facebook Comments