56 million doses ng COVID-19 vaccines, darating sa bansa ngayong buwan

57

Kinumpirma ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na may 56 million doses pang darating na mga bakuna sa bansa ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon kay Galvez, ang mga parating na bakuna ay gagamitin sa booster shots sa Enero.

Dagdag pa nito, sa ngayon ay nasa 217 million doses na ang COVID-19 vaccines ang natanggap ng bansa ngayong taon, hindi pa kasama rito ang dumating kahapon na 1.6 million doses na AstraZeneca na donasyon ng French government sa Pilipinas.


Facebook Comments