Inaprubahan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagtaas ng matrikula ng 56 private Higher Education Institutions (HEIs) para sa Academic Year (AY) 2021-2022.
Ayon sa inilibas na listahan ng CHED, ang mga pribadong unibersidad at kolehiyo sa 11 na rehiyon sa bansa ay pinapayagang magtaas ng matrikula at ng iba pang bayarin.
Kabilang dito ang Region 1 kung saan may walong institusyon ang maaaring magtaas ng matrikula, pito naman sa Region 3, tatlo sa Region 4 at Region 11, lima sa Region 5, apat sa Region 6, isa sa Region 7, Region 9 at CAR, at siyam sa Region 10.
Paliwanag ng CHED na ang pag-apruba ng aplikasyon ng mga institusyong ito ay alinsunod sa recalibration ng Miscellaneous and Other School Fees (MOSF) sa ilalim ng COVID-19 pandemic.