56 TAUHAN NG COAST GUARD ISABELA, HANDA NA PARA SA BAGYONG LEON

CAUAYAN CITY- Nakahanda na ang hanay ng Coast Guard Station Isabela sa posibleng paghagupit ni Bagyong Leon sa coastal areas ng Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team sa Coast Guard Station Isabela, naka-activate na ang Deployable Response Group maging ang mga kagamitan sa pag-rescue.

Nakahanda na ring italaga ang anim na grupo ng Coast Guard Isabela na binubuo ng limampu’t anim na tauhan ng Coast Guard kung saan mahigpit na binabantayan ang coastal ng Dinapigue, Palanan, Divilacan, at Maconacon.


Kaugnay nito, sinuspende muli ang byahe sa anumang klase ng sasakyang pandagat simula alas singko ng umaga ika-28 ng Oktubre.

Samantala, pinag-iingat naman ng Coast Guard Isabela ang lahat ng nakatira malapit sa dagat na sundin ang mga paalala ng mga otoridad.

Facebook Comments