56 YEARS OLD | Optional retirement age sa mga government employee, aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang nagbababa ng optional retirement age sa mga kawani ng gobyerno.

Layon ng house bill 8683 na gawing 56 years old ang optional retirement age mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.

Sa oras na maisabatas ang nasabing panukala ay aamyendahan nito ang government service insurance act of 1997.


Sa ilalim ng panukala na bigyan ng kalayaan ang mga empleyado ng gobyerno na magretiro nang mas maaga na buo pa rin ang retirement benefits.

Kabilang sa mga main author ay sina ACT Teachers Party List Rep. Antonio Tinio at Rep. France Castro.

Unang inisponsoran ang panukala ni committee on government enterprises and privatization Chairman Jesus Nonato Sacdalan.

Facebook Comments