564 residente sa Navotas, arestado sa paglabag sa mga ordinansa ng lungsod

Nadakip ang nasa mahigit 500 residente sa Navotas dahil sa paglabag sa mga ipinapatupad na ordinansa sa lungsod.

Aabot sa 564 ang kabuuang bilang ng mga nahuli ng Task Force Disiplina na lumabag sa mga ordinansa kabilang na ang hindi pagsunod sa mga safety measures laban sa COVID-19.

Sa bilang na ito, nasa 215 na mga residente sa iba’t ibang barangay ang nahuli dahil sa hindi pagsusuot at maling paraan ng pagsusuot ng face mask.


Nasa 135 na menor de edad at 128 na adults naman ang nahuli dahil sa paglabag sa curfew.

Bukod dito, 28 ang nahuling nasa labas ng bahay at walang pangitaas na damit, 18 ang nahuling naninigarilyo, 18 din ang umiinom sa daan, 2 ang lumabag sa social distancing habang 20 naman ang mga naparusahan sa iba pang paglabag.

Facebook Comments