Namahagi ang City Government of San Fernando sa 565 mangingisda mula sa 14 coastal barangays ng kagamitang makatutulong sa kanilang kabuhayan.
Sa pamumuno ng City Agriculture Office (CAO) at City Fisheries and Aquatic Resources Management Council (CFARMC), ang gill nets, handlines, at hooks and lines ay ibinahagi sa mga may-ari ng rehistradong bangka sa siyudad ng San Fernando.
Makatutulong ang nasabing kagamitan sa paghuli nila ng mas marami at mas malalaking isda, na magreresulta hindi lang sa pagdami ng mabibili nating isda sa merkado kundi pati na rin sa pagtaas ng kita ng ating mga mangingisda.
Pinasalamatan din ang mga mangingisda sa kanilang kontribusyon sa pagbibigay ng pagkain na may nutrisyon sa panamagitan ng mga isdang kanilang hinuhuli.
###
565 MANGINGISDA SA SAN FERNANDO, NAKATANGGAP NG KAGAMITANG PANGKABUHAYAN
Facebook Comments