Isinagawa na kahapon, Pebrero 19 ang seremonya para sa pagpapalit destino ng isang batalyon ng militar mula sa lalawigan ng Aurora papuntang Mindanao.
Sa kalatas at mga larawan na ipinaabot ni 1Lt Catherine Hapin, ang Chief ng Public Affairs Office ng 7ID, Philippine Army, ang seremonya ay ginanap alas kuwatro ng hapon sa 7ID Grandstand, Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Magugunitang matagal nang naka delploy ang 56th IB sa Aurora at ang paglilipat ng kanilang bagong destino ay matagal nang nabinbin.
Sinabi ni MGen Felimon Santos Jr, ang commander ng 7ID na ang kahanga hangang nagampanan ng 56th IB sa Aurora ay tiyak na malalampasan nila sa kanilang bagong destino sa Mindanao.
Sinabi pa ng pinuno ng 7ID na ang 56th IB ay may napakagandang marka sa kanilang dating destino dahil hiniling pa ng LGU Aurora ang kanila sanang pananatili sa lugar.
Ang 56th IB pagdating sa Mindanao ay sasailalim sa Eastern Mindanao Command na nakabase sa Davao City