57-ANYOS NA LALAKI, PATAY MATAPOS MASAGASAAN NG TRUCK SA BINALONAN, PANGASINAN

Nasawi ang isang lalaki sa Binalonan, Pangasinan matapos masagasaan ng isang truck sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Linmansangan, pasado alas-4:30 noong Disyembre 3, 2025.
Batay sa initial na imbestigasyon, binabagtas ng biktima, 57 taong gulang at walang permanenteng tirahan, ang kalsada patungong timog habang mula hilaga patungong kanluran naman ang direksyon ng isang truck na minamaneho ng isang 41-anyos na lalaki na wala umanong dalang driver’s license.
Pagdating sa lugar ng insidente, lumiko sa kanan ang truck at nagulungan ang nagbibisikleta.
Sinubukang tumakas papalayo ng truck ngunit hindi rin nakalayo matapos masiraan ng gulong.
Dahil sa tinamong pinsala, isinugod ang biktima sa isang district hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician, samantalang hindi naman nasaktan ang driver ng truck.
Facebook Comments