57 business leaders sa Manila City, pinulong ni Mayor Isko Moreno; COVID-19 testing sa mga empleyado, iginiit

Pinulong ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno-Domagoso ang 57 business leaders na nag-o-operate sa Maynila sa pamamagitan ng virtual meeting.

Hinikayat ni Mayor Isko ang naturang mga negosyante na isailalim sa COVID-19 testing ang kanilang mga kawani ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na ang lungsod

Pinayuhan din ng alkalde ang business leaders sa lungsod na huwag pauwiin ang mg empleyado na positibo sa virus at sa halip ay dalhin sa quarantine facilities sa lungsod.


Present sa nasabing virtual meeting ang mga kinatawan mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Federation of Filipino Chamber of Commerce and Industry, Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Makati Business Club, Employers Confederation of the Philippines (ECOP), Philippine Management Association of the Philippines, Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX), International Container Terminals Services, Inc., Asian Terminals Incorporated, North Harbor Center, R-II Builders Inc., at Junior Chamber International (JCI) Manila at iba pa.

Facebook Comments