CAUAYAN CITY – Hindi naging hadlang si Bagyong Carina upang mabigyan ng livelihood assistance ang ilang mamamayan sa Lalawigan ng Isabela.
Mahigit P1 million pesos ang naipamahaging assistance sa 57 na distressed OFWs sa ilalim ng Programang Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay! (BPBH) sa One Stop Service Center for OFWs (OSSCO), sa Lungsod ng Santiago, Isabela.
Layunin ng programang ito na matulungan ang mga dating OFW na muling makapagsimula ng kanilang pamumuhay at makapagtayo ng kanilang sariling negosyo o pagkakakitaan.
Pinangunahan nina Mr. Danilo Balisi at Mr. Ritchie Mamuric, Family Welfare Officers, ang nasabing pamamahagi katuwang si Santiago City Mayor Hon. Alyssa Sheena Tan at PESO Manager Nicky Jane Isla.
Facebook Comments