Friday, February 6, 2026

57 na operator ng PUV terminal, ipinatawag ng LTFRB dahil sa iba’t ibang paglabag

Ipinatatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 57 operator ng terminal ng mga pampasaherong sasakyan.

Kabilang sa mga ipinatawag ay mga operator ng mga bus na nakitaan ng iba’t ibang mga paglabag sa LTFRB rules.

Kasunod ito nang mga isinagawang nationwide inspection sa mga bus at public vehicle utility (PUV) terminals nationwide.

Sa ginawang inspection, isang terminal ang naisyuhan ng cease and desist order dahil sa paglabag sa rules and regulations ng ahensiya.

20 ang naisyuhan ng show cause orders (SCOs) at violation notification sa Region 10, walo sa Region 7, pito sa Region 2, at tig-anim sa Region 9 at Region 12.

Ayon sa LTFRB ang PUV terminal inspection ay bilang tugon na rin sa mga reklamo ng mga pasahero sa mga PUV terminals sa loob at labas ng Metro Manila .

Facebook Comments