57 Panibagong Kaso ng COVID-19, Naitala sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin nakapagtatala ng mga panibagong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Lunes, August 9, 2021, nakapagtala ng 57 na bagong tinamaan ng COVID-19 ang probinsya; 32 na bagong nakarekober at isang (1) namatay sa nasabing virus.

Tumaas naman sa 913 ang bilang ng aktibong kaso sa probinsya dahil sa mga bagong kinapitan ng virus.


Umabot na rin sa 27,505 ang kabuuang bilang ng mga gumaling samantalang nasa 900 na ang total cases ng COVID-19 related deaths.

Sa kasalukuyan, mayroong 29,318 na total cumulative cases ng COVID-19 ang Isabela.

Facebook Comments