Libu-libong mga manggagawa ang apektado ng desisyon ng Korte Suprema na naghihiwalay sa Sulu mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni BARMM Cabinet Secretary Mohd Asnin Pendaton na mahigit 5,700 na residente ng Sulu na empleyado ng BARMM ang tanggal sa kani-kanilang trabaho.
Galing daw kasi sa pondo ng rehiyon ang pasahod sa mga apektadong kawani, kaya kasama ito sa mga naapektuhan ng desisyon ng SC sa Sulu.
Sa ngayon, tuloy pa rin naman ang pagpapasahod sa mga ito dahil karamihan ay empleyado ng mga paaralan at mga pagamutan sa Sulu.
Pero kinakailangan na raw maghanap ng pamahalaang panlalawigan ng Sulu ng para makahanap ng pondo para maipagpatuloy ang operasyon ng mga ito na dating nasa pangagasiwa ng BARMM.
Ngayong wala na sa BARMM, bahagi na ang Sulu ng Zamboanga Peninsula.