Nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at ng militar ang aabot sa 57,000 na sako ng imported refined sugar mula Thailand sa isang bodega sa Quezon City.
Batay sa inilabas ng press release ng BOC noong Sabado, nadiskubre ito ng mga otoridad noong Martes kung saan nagkakahalaga ito ng 285 milyong piso.
Ayon sa Customs, nagkakahalaga ang bawat sako ng 5,000 pesos.
Mababatid na may nadiskubre ring aabot sa 350,000 na sako ng asukal ang Department of Trade and Industry (DTI) sa tatlong bodega sa Silang, Cavite.
Sa naturang bilang 314,000 na sako rito ay inangkat mjula sa Thailand habang ang natitirang 36,000 sako ay locally produced.
Batay naman sa ipinakitang dokumento ng mga kinatawan ng bodega, bahagi ang mga inangkat na asukal sa ilalim Sugar Order No. 3 na siyang unang otorisadong bugso ng sugar importation ngayong tao.
Habang sasailalim pa sa mas malalim na imbestigasyon ang nadiskureng 36,000 sako ng locally-produced sugar na inilaan din umano sa industry sector.