Makaraang sumalang sa ibat ibang interventions ng QC Anti Drug Abuse and Advisory Council, nagsipagtapos na ang nasa 574 drug surrenderees sa isang simpleng graduation.
Sinabi ni QCDAAC Chair Chairperson Vice Mayor Joy Belmonte sa Quezon na ang graduates ngayon ay pang apat ng batch o umaabot na sa 2,840 ang lahat ng graduates kasama ang mga bagong graduates ng mga drug surrenderees.
Ang mga graduates aniya ay sumalang sa 15 modules kabilang dito ang 12 modules para sa mga user, 3 sa pamilya at spiritual modules.
Karaniwan aniyang 3 buwan ang tagal ng pagsasalang sa mga inteventions sa mga surrenderees pero may inaabot ng 6 na buwan dahil sa kanilang trabaho at ibang pinagkaka abalahan.
May iba rin aniya na bagsak sa drug test kayat tumatagal ang isang surrenderee sa pagsailalim sa rehabilitation program ng council.
Sinabi ni Belmonte na 16,000 ang drug surrenderees ng QC at ditoy kulang kulang 3,000 pa lamang ang graduates dahilan sa ilang problema tulad ng kakulangan ng mga DOH accredited doctors na magbibigay ng training sa mga surrenderees, bayad sa training at mabagal na training.
Sinabi ni Belmonte na para huwag nang magbalik sa dating bisyo ang mga graduates ay tinutulungan na magkaroon ng trabaho sa mga partner -private firms , tinuturuan sila na kumita sa pamamagitan ng TEDSA training at iba pang mga pagkakakitaan para sa kanilang pamilya.
Patuloy naman anyang sinusubaybayan ng QCADAAC ang mga graduates kasama ang mga barangay officials upang makalimutan na ng mga graduates na gumamit muli ng bawal na gamot.