Umaabot sa 58 mga pantalan sa bansa ang tigil operasyon dahil sa Bagyong Paeng.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamaraming non-operational na pier ay sa MIMAROPA na 15, sinundan naman ito ng CALABARZON, Region 5 at Region 6 na may 13 non-operational na pantalan habang 3 sa Region 8 at 1 sa Region 1.
Kasunod nito, umaabot na sa 3,072 ang mga stranded na pasahero mula sa CALABARZON, Regions 5, 7 at 8.
Hindi rin pinayagang makapag layag ang 880 rolling cargoes, 73 vessles at 21 motorbancas.
Kasunod nito, paalala ng NDRRMC sa mga biyahero na makipag-ugnayan muna sa pamunuan ng mga pantalan upang hindi na magtungo doon kung kanselado ang inyong mga byahe.
Facebook Comments