Nakauwi na sa bansa ang 58 Pilipino na nagmula sa Bahrain ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa Philippine Embassy sa Bahrain, lulan ang mga ito ng direct commercial flight ng Gulf Air kung saan karamihan ay mga detainee, overstaying overseas Filipinos, nananatili sa embassy shelter at may medical condition.
Marami ring Pilipino ang humingi ng tulong sa embahada para makapag-book ng tickets dahil sa limitasyon sa dumarating na pasahero sa Pilipinas
Bukod sa special rate, nakipag-ugnayan din ang embahada sa DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at iba pang concerned agencies, para sa exemption ng repatriates sa arrival limitations at sa tutuluyang quarantine facilities.
Simula August 2021, umabot na sa 287 stranded Filipinos ang napauwi sa bansa mula sa Bahrain kung saan sinagot ng embahada ang airfare ng 175 indibidwal gamit ang Assistance to Nationals Fund.