Manila, Philippines – Inirekomenda na ng PNP Internal Affairs Service kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, na sibakin sa serbisyo ang limangput walong mga pulis na sangkot sa ibat ibang katiwalian.
Ayon kay PNP Internal Affairs Service Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, pangongotong o extortion at kidnapping ang halos lahat ng kaso ng 58 police officer na inirekomenda nyang matanggal sa serbisyo.
Lumalabas aniya sa kanilang imbestigasyon na napatunayang nasangkot sa katiwalian ang mga pulis na ito at nararapat na matanggal sa serbisyo bilang parusa.
Ang ilan sa mga kasong inimbestigahan ng PNP-IAS ay galing sa Counter intelligence Task Force bahagi ng kanilang ginagawang internal cleansing
Karamihan aniya sa mga pulis na ito ay nakatalaga sa Northern Police District.
Partikular ang mga nasangkot sa pagpatay sa binatilyong si Carl Angelo Arnaiz at ang iligal na pagsalakay ng ilang pulis Caloocan sa isang bahay sa Caloocan.
Sa huli si PNP Chief Dela Rosa pa rin ang magdedesisyon kung sisibakin sa pwesto ang 58 police officers.