Home Dagupan IFM 104.7 Dagupan 5,800 TURISTA, DUMAGSA SA SAN NICOLAS NITONG SEMANA SANTA

5,800 TURISTA, DUMAGSA SA SAN NICOLAS NITONG SEMANA SANTA

0
5,800 TURISTA, DUMAGSA SA SAN NICOLAS NITONG SEMANA SANTA

Umabot sa mahigit 5,800 turista at lokal na bisita ang dumayo sa iba’t ibang pasyalan sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan noong Abril 3, ayon sa tala ng lokal na pamahalaan.

 

Pinakamaraming bisita ang naitala sa Malico na may 2,843, sinundan ng Puyao River Picnic Grounds na may 2,134 na katao. Nagtala naman ng 804 na bisita sa Agpay Eco Park at 115 sa Sabangan River.

 

Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy na dinagsa ang San Nicolas hanggang sa huling araw ng bakasyon noong Abril 5 o sa tinatawag na Linggo ng Pagkabuhay.

 

Samantala, tiniyak ng mga awtoridad na mahigpit na pagbabantay pa rin ang mga tourist spot upang masiguro ang kaligtasan ng mga dadagsang tao sa lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments