Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 585 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado, Hunyo 18.
Mas mataas ito sa 539 cases na naitala noong Biyernes at pinakamataas simula noong Abril 3 kung saan nakapagtala ng 690 new cases.
Dahil dito umakyat sa 4,176 ang aktibong kaso ng sakit mula sa kabuuang 3,695,652 confirmed cases.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinakamataas na bilang ng bagong kaso na nasa 1,984 sinundan ng Calabarzon na may 601; Western Visayas, 323; Central Luzon, 305 at Central Visayas, 156.
Umakyat naman sa 3,631,009 ang total recoveries habang nananatili sa 60,467 ang death toll.
Facebook Comments