59 APLIKANTE, HIRED ON THE SPOT SA ISINAGAWANG MINI JOB FAIR SA BAYAMBANG

Marami pa ang nagbukas na oportunidad sa mga aplikanteng nagpunta sa isinagawang Mini-Job Fair sa Bayambang sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO).

Limampu’t-siyam na mga aplikante ang hired on the spot sa nasabing aktibidad mula sa 171 na nagparehistro at dumalo.

Ilan sa industriyang nakibahagi ay food service at retail, logistics at delivery, production at quality control, human resources at administration, sales at marketing, edukasyon at kalusugan.

Suporta sa kabuhayan ng mga residente ang ganitong uri ng aktibidad na sumasalamin sa pagnanais na maiangat ang antas ng pamumuhay ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments