Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga paaralan na isasalang sa pilot run ng face-to-face classes ng Department of Education (DepEd) sa November 15.
Kabilang sa pinag-aaralang maisama ay ang ilang paaralan sa Metro Manila kahit mataas pa ang Alert Level sa rehiyon.
Ayon kay Education Secretary Leonor Brines, sa unang bilang na 59 ay posibleng madagdagan pa ito ng 20 pribadong paaralan.
Pinag-aaralan na rin na maisama sa bilang ang mga international schools.
Sa ngayon, wala pang paaralan sa Metro Manila ang napabilang sa pilot testing ng face-to-face classes.
Pero ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang nasa Alert Level 2 ang Metro Manila bago maisama ang mga paaralan nito sa pilot run ng face-to-face classes.
Sa ngayon, tiniyak ng DepEd na may contingency plan sa o batid ng mga eskwelahan ang gagawin kapag may mga batang nahawa sa COVID-19 sa face-to-face classes.
Matatandaan para sa Kindergarten, 12 lamang ang papayagan na makapag-aral sa loob ng classroom, 16 sa Grades 1 hanggang 3.
20 naman ang maximum na estudyante para sa classroom session ng Senior High School.