59 paaralan, napiling lumahok sa pilot test ng face-to-face classes

59 paaralan ang inirekomenda ng Department of Health (DOH) na mapasama sa pilot implementation ng face-to-face classes.

Sinabi ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa sa pagdinig ngayon ng Senate Committee on Basic Education na pinamumunuan ni Senator Win Gatchalian.

Sabi ni Vergeire, pinili nila ang mga paaralan na nasa mga lugar na minimal o low risk ang sitwasyon kaugnay sa COVID-19.


Sabi ni Vergeire, magsasagawa naman sila ng regular assessment at plano nilang magsumite kada linggo ng mga paaralan na matutukoy nilang maaring mapasama sa pilot implementation ng face-to-face classes.

Facebook Comments