Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na handa sila sa pagresponde sa anumang insidente ngayong Holy Week.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, 59,000 na mga pulis ang nakakalat na ngayon sa buong bansa upang magbantay ng seguridad.
Partikular na naka-deploy ang mga pulis sa mga matataong lugar, tulad ng bus terminal, paliparan, pantalan, simbahan at maging lugar pasyalan.
Sinabi pa ni Fajardo na may mga nakalatag silang police assistance desk nang sa gayon ay mabigyan ng tulong ang mga nangangailangan.
Samantala, sa nagpapatuloy naman na Oplan Summer Vacation 2022 ng PNP, sinabi ni Fajardo na nakapagtala na sila ng siyam na insidente ng pagkalunod kung saan walo rito ang nasawi.
Mayroon din silang naitalang dalawang vehicular accident.
Sinabi pa ni Fajardo na sa kasalukuyan, walang namo-monitor na banta sa seguridad ng bansa ang PNP.
Nakahanda naman aniya sila sa inaasahang pagdagsa pa ng mga pasaherong pauwi ng probinsya ngayong araw lalo pa’t ngayon ang huling araw ng pasok sa karamihan ng trabaho.
Dagdag pa ni Fajardo na magsasagawa rin ng inspeksyon si PNP Chief Police General Dionard sa ilang terminal.